top of page

Chapter 2- Sana Miss Mo Rin Ako

  • Writer: Ryan Time01
    Ryan Time01
  • Jan 28, 2021
  • 10 min read


Mabilis na lumipas ang pahanon. Napapansin kong unti-unting lumalayo si Jake sa akin. Siguro ramdam niyang umiiwas ako sa kanya. Sa pag-iinarte kong iwasan siya ako naman tong nasasaktan. Diba ang gulo, umiiwas ako pero ako din ang nasasaktan.

Hindi ko lang talaga matanggap sa sarili na magkakaroon ako ng pantasiya sa pinsan ko at lalake pa.

May mga times na nakakasama ko siya sa mga family gatherings pero hindi na kami tulad ng dati. Nawala yung closeness namin. Ilang taon na din buhat nung may nangyari sa amin. Nababalitaan ko nalang sa iba kong pinsan na naging babaero raw si Jake. Oo sa ibang pinsan ko pa nabalitaan, dahil nga hindi na kami katulad ng dati na nagse-share ng kwentuhan at walang ilangan.

Habang lumilipas ang panahon lalo akong nangungulila sa kanya. Deserve ko naman ito kasi ako ang nagpasyang umiwas sa kanya.

Mahirap lang sakin sa tuwing nakikita ko siya. Nasasaktan ako ng wala namang sapat na dahiilan. Lalo ngayon malaking ipinagbago ng itsura niya. Mas lalo siyang gumagwapo. Minsan nga nahuhuli niya akong sumusulyap sa kanya, pero sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay iniiwas ko.

Basta malayong malayo na kumpara sa dati. Namiss ko yung dating Jake na makulit at malambing, na kahit anong taboy ko ay mas lalong nangungulit.

Naisip ko din minsan na tama lang siguro yung ganito kami. Dapat may gap. Wala dapat intimacy na nararamdaman sa isa't isa.

***

Birthday noon ni mama at nagpahanda siya sa bahay. Imbitado lahat ng myembro ng angkan. Lagi naman kasi kaming ganun. Pag may nag birthday, automatic imbitado lahat. Masyado kasing close ang mga pamilya namin.

Nagsiratingan na lahat ng kamag-anak. Pero may isa akong hinahanap.

Si Jake.

Nilibot ko ang aking paningin, masayang masaya ang lahat habang nagkakainan. Yung ibang tito at mga pinsan ko naman ay nag-iinuman, kasali na rin ako. Syempre hindi nawawala ang karaoke. Mahilig kasi kaming magkantahan at kahit papaano ay isa ako sa mga marunong kumanta.

Alas otso na ng gabi pero wala parin akong nakikitang Jake. Napansin yata ng isa kong pinsan na may hinahanap ako kaya tinanong niya ako.

"Sinong hinahanap mo kuya?" wika ni Don.

Anak siya ng isang tita ko na sumunod kay mama. Bale yung mama ko yung panganay sa walong magkakapatid.

"Si.. Si Jake, hindi ko ata napapansin. Hindi pa ba dumadating?" sagot ko.

"Ah si Kupal, mamaya pa yun. Nagtext siya sa akin. Hinihintay niya raw kasi ang GF niya. Ipapakilala niya raw sa atin." Sagot naman ni Don. Kupal kasi tawag naming doon. Magkakasundo kaming magpipinsan at yun ang bansag namin kay Jake.

'GF niya? Ipapakilala niya?'

May konting kirot akong naramdaman. Naisip ko kaagad, hinahalikan din kaya siya ni Jake ng tulad ng ginagawa namin dati? Ano kaya ginagawa nila pag magkasama sila? Hindi naman ako naiinggit sa idea na may GF siya, dahil nagkaroon din naman ako. Pero yung IDEA na magkasama sila at kung ano ang ginagawa nila ay doon nagpupuyos ang kalooban ko. Well, tama kayo. Nagseselos ako. Sobra.

Maya-maya ay may narinig na kaming nag doorbell. Nakiramdam lang ako, sa tingin ko si Jake na yung dumating.

"HAPPY BIRTHDAY TITA!!" malakas na sambit ni Jake pagkapasok na pagkapasok pa lang ng pinto. Na siya namang nagpalingon sa akin. Nakita ko si Jake, ngiting ngiti, guwapong-guwapo. Biglang bilis ng pintig ng puso ko. Pero hindi rin nagtagal ay napalitan iyon ng selos. Hawak niya sa kanang kamay ang GF na ipapakilala niya.

Buong pagmamalaking ipinakilala ni Jake sa kamag-anakan namin ang girlfriend niya. Sabagay maganda naman talaga. Naninibugho na naman ang damdamin ko.

Maya-maya ay napansin kong tumingin si Jake sa akin. Marahil nagdadalawang-isip kung ipapakilala niya sakin. Kasi nandoon pa talaga yung ilangan namin eh. Naramdaman kong palapit na sila sa akin nagkunwari akong nagkakalikot ng phone, hindi ko naman kasi alam kung paano ko sila pakikitunguhan.

"Kuya, girlfriend ko pala si Gelic." Malumanay niyang pagpapakilala.

"Oh! Hi Gelic, welcome sa bahay namin." Sabay shake sa kamay ni Gelic.

Pilit kong pinakita na okay lang ako. Pero hindi ko tinitingnan si Jake.

"Join ka samin." Sabay abot ko ng isang bote ng beer.

"Sorry po, I don't drink kasi eh." Sagot niyang may kasamang ngiti.

Mukha namang mabait. Pero sa isip ko baka pakitang tao lang. Baka nasa ilalim ang kulo. Tila naging mapanghusga ako nang dahil sa nararamdaman ko.

"I see. Enjoy lang kayo ha." Sabi ko kasabay ng pilit na ngiti.

Saka ko tiningnan si Jake na noon ay nakatingin din pala sa akin. Bigla niya namang binawi ang tingin niya. Ramdam ko sa tingin niya na wala siyang ganang kausapin pa ako.

Nagpaalam sila sa amin. Kakain lang daw muna.

"Jake! Balik ka rito, ilang occasions ka na naming hindi nakakainuman!" pasigaw na sabi ni Don.

Tango lang ang sinagot ni Jake saka nagtungo sa dining table.

Tuloy-tuloy lang kami sa kwentuhan. Naririnig ko silang nagtatawanan at nakikisabay lang din ako kahit hindi ko naman talaga alam kung ano yung pinag-uusapan nilang nakakatawa. Occupied kasi ang isip ko at madalas napapagawi ang tingin ko sa lugar kung saan nandoon sila Jake at girlfriend niya. Naiinis ako lalo pag nakikita kong nagsusubuan sila. Minsan nakapulupot na parang ahas itong si Gelic. Gusto ko sana kaladkarin palabas, hindi na nahiya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, di ko alam kung selos o inggit.

Maya-maya'y napansin kong parang nagpapaalam itong si Jake na makikisali sa amin at iiwan niya muna si Gelic sa mga pinsan naming babae na nagka-karaoke. At tumungo na si Jake sa kinaroroonan namin.

Hindi ko na siya nilingon, mamaya mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Nang makarating ay pumuwesto siya sa tabi ni Don at inabutan nung huli ng beer. Kinaasiwa ko dahil nakaharap siya sa akin. Kaya nag kunwari na naman akong magkalikot ng phone.

"Kuya Rye! Mamaya ka na mag cellphone. Minsan nga lang tayo magkainuman." Kunway nagtatampong sabi ni Don. "Nandito na si Jake oh, diba kanina mo pa siya hinahanap." Dugtong niya.

Buti nalang at mediyo naparami na ang nainom ko kaya hindi nahalata ang pamumula ko nang dahil sa pagkakahiya.

"Hinahanap? Tinanong ko lang. Pero hindi ko siya hinanap." Depensa ko.

"Ganoon din yun!." Wika ni Don sabay tawa.

Inabangan ko ang magiging reaksyon ni Jake sa narinig niya. Nakita kong nagningning ang mga mata niya, ngunit hindi ito umabot sa labi niya. Parang may pinipigilan siyang nadarama. Hindi ko mawari kung tuwa ba yung nakita ko dahil narinig niyang hinanap ko siya.

Hindi na ako umimik. Naririning ko na lang silang nagkukwentuhan. Lalo itong si Jake na ibinibida ang bago niyang girlfriend. Samantalang alam naman naming lahat na di magtatagal ay iiwan niya rin yun. Si Jake pa, dakilang babaero.

Patuloy lang ako sa paglaklak ng alak. Biglang nabaling sa akin ang atensiyon ng isa pa naming pinsan na si Paul. Si Paul naman ay anak ng pinakabunsong kapatid nila mama.

"Kuya Rye! Kanina ka pa tahimik diyan. Napansin ko nang dumating si Kuya Jake ay hindi ka na nagsasalita. Magkaaway ba kayo? Actually dati pa namin napapansin ni Don yan." Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ah. Inantok kasi ako!" Depensa ko.

"Di nga? Kasi dati-rati naman halos hindi na kayo maghiwalay. Nakapagtataka lang na hindi na yata namin kayo nakikitang nag-uusap man lang." dugtong niyang may pagtataka pa rin sa mukha.

"Oo nga! Matagal na naming napapansin yan. Pero pag wala ang isa sa inyo, lagi naman kayong naghahanapan. May LQ ba kayo?" sinabayan pa ni Don ng nakakalokong tawa.

"May LQ kayo no?" dugtong naman ni Paul.

"Tigilan niyo nga kami" binaling ko ang tingin kay Jake. "Ikaw ba may galit sakin?"

"Wala Kuya ah." Sinabayan ng tawa. "Ikaw.. Galit ka ba sakin?" balik tanong niya sa akin.

"Hindi rin. Ma-issue lang tong mga pinsan mong kulugo!" sinabayan ko ng pekeng tawa.

"Yun naman pala eh." Sabay wika ng dalawang kulugo.

Kwentuhan na naman. Pero as usual hindi pa rin kami nag uusap ni Jake. Tila nagpapakiramdaman lang kami kung sinong unang magsasalita sa amin.

"Kuya Rye!! Ikaw naman kumanta. Namimiss na namin boses mo." Sabi ni Jessica. Siya naman yung bunsong kapatid ni Jake. Dalawa lang silang magkapatid.

Sumunod naman kaagad ako at dinampot ang song book.

Naisip kong kumanta ng pangmalakasan kaso biglang sumagi sa isip ko yung kantang lagi naming kinakanta ni Jake noon. Kaya yun na ang pinili ko, gusto ko lang malaman ang reaksyon ni Jake pag narinig niyang kinanta ko yun. Naalala ko kasi dati, ilang beses pa naming inuulit-ulit yun. Sabi niya kasi yun daw yung theme song naming. Di ko naman alam kung bakit yun ang naisip niyang theme song.

Ang "Gemini" ng Spongecola.

Nang magsimula na ang familiar sound ay tiningnan ko agad si Jake. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin na para bang masaya siya at kakantahin ko yung kanta namin. Binawi ko agad yung tingin sa kanya, naiilang kasi ako. Saka nagsimulang kumanta.


Come a little closer

Flicker in flight

We'll have about an inch space

But I'm here I can breathe in

What you breathe out

Let me know if I'm doing this right

Let me know if my grip's too tight

Let me know if I can stay all of my life

Let me know if dreams can come true

Let me know if this one's true

Cause I see it

And I feel it

Right here

And I feel you right here

Sa part ng kantang to "cause I see it and fee it, right here". Sabay kaming nagkatinginan at tila damang dama ang bawat lyrics. May action pa siyang ginawa na nakahawak sa puso niya habang nakatingin sa akin. Ganun na ganun yung ginagawa namin dati. Nakaramdam ako ng kilig. Ang cute niya habang ginagawa yun. Napangiti nalang ako.


The vacuous night

Steps aside to give meaning

To Gemini's dreaming

The moon on it's back

And the seemingly

Veiled room's lit

By the same star

And I feel it right here

And I feel you right here

Natapos ko ang kanta. Pero as usual walang pumalakpak, sanay na kasi silang lahat sa boses ko. Pero nung ibaling ko ang tingin kay Jake, nakangiti siya sa akin. Parang may ipinapahiwatig. Binalewala ko lang at iniiwas ang tingin sa kanya.

Maghahating-gabi na natapos ang inuman. Nagsiuwian na rin ang ibang kamag-anak. Napagkasunduan naman naming magpipinsan na sa bahay na sila matulog. Sanay naman kami sa ganun kapag may okasyon at walang pasok kinabukasan. Ihahatid lang daw muna ni Jake si Gelic sa kanila. Hindi rin naman kalayuan ang tinitirhan ni Gelic.

Lasing na lasing na si Don at Paul, inunahan pa akong humiga sa kama ko. Ako tuloy ang nawalan ng pwesto. Kaya inilatag ko nalang yung extra foam sa baba ng kama. Mediyo malaki yun na kasya ang apat na tao. Napag-isipan kong maligo nalang muna para kahit paano ay mahimas-masan.

Tumungo ako sa baba ng bahay, wala naman kasing attached bathroom yung kwarto ko.

Wala ng tao sa baba, malamang ay mga tulog na.

Nang matapos akong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ng puting tuwalya. Naramdaman kong may tao na nagbubukas ng pinto. Tumungo ako sa sala upang alamin kung sino ang tao na iyon. Maya-maya ay iniluwa ng pinto si Jake.

Napatitig siya sa akin. Kinabahan ako sa titig na yun. Kasi yun ung mga titig na nasisilayan ko sa mga mata niya dati. Yung titig na may pagnanasa. Yung titig na kinakabaliwan ko. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Iniiwas niya rin kaagad ang mga mata niya.

"I-ikaw pala yan." Malamig kong sambit. Saka agad na tumalikod sa kanya at tinungo ang hagdan.

Nung akmang hahakbang na ako, ay bigla siyang nagsalita.

"KUYA RYE!" May kalakasang pagtawag niya sa akin.

Nilingon ko siya at tinaasan ng dalawang kilay na kunwa'y nagtatanong.

"Kuya." Pag-uulit niya sa mediyo malumanay na boses.

Pansin kong lumungkot ang mga mata niya. Nakakaawa siyang tingnan, pero ayoko namang alamin ang dahilan ng lungkot na yon.

"ANO NGA?!!" inis kong tanong sa kanya.

"Kailan mo ba ako papansinin na tulad ng dati?" Ramdam ko ang lungkot sa boses at mukha niya.

Natulala ako. Tila kidlat na mabilis na sumagi sa isipan ko ang nakaraan. Agad ko rin itong iwinaksi, ayokong magpadala sa awa. Ayokong magkasala ulit. Pinsan ko siya at pareho kaming lalake.

"Anong pinagsasabi mo? Kinakausap naman kita ah." Pagmaang-maangan ko.

Napansin ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya. Nabibigla ako sa inaasta niya.

Anong ibig sabihin ng mga luha na yun? Nasasabik din kaya siya sa akin?

Samantalang ilang panahon na rin ang lumipas at kinaya niya akong tiisin. Hindi na siya lumalapit sa akin. Nagmamatigas lang naman ako, pero ayoko namang lumayo siya sa akin. Hindi ko lang talaga kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Noong una akala ko libog lang, pero habang tumatagal nag-iiba na ang nararamdaman ko.

Nangungulila ako sa kanya. Pero laging sinasabi ng isip ko. 'hindi pwede'.

Namimiss niya rin kaya ako?

Gusto ko sanang malaman, ngunit para saan pa, kung pipigilan ko rin naman. Hindi ko kayang tanggapin sa sarili itong nararamdaman ko. Kasi ang alam ko lalake ako.

"Kinakausap mo nga ako, pero hindi na tayo tulad ng dati." Sinabi niya yon nang hindi tumitingin sa akin. Pero napapansin kong nagpipigil siyang mapaluha.

Wala akong maisip na salitang sasabihin.

Tumahimik siya sandali saka nagpatuloy.

"MISS NA KASI KITA KUYA!! Miss na miss na kita!!" Mangatal-ngatal ang boses na binanggit ang mga salitang yon habang nakatingin sa akin. Nakita ko ding may tumutulong luha galing sa mga mata niya.

Miss niya nga ako.

Gusto ko rin mapaluha sa narinig. Yun naman talaga ang gustong-gusto kong marinig mula sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin at sabihing MISS NA MISS ko na rin siya. Pero may bahagi ng pagkatao ko na sadyang sumasalungat sa nararamdaman ko. Kaya sa halip na tugunin ko ng totoong nararamdaman ko ang sinabi niya ay iba ang lumabas sa bibig ko.

"Lasing ka lang." Mahina kong tugon.

Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang itutugon at ramdam ko ring maya-maya ay tutulo na ang luha ko ay tumalikod na lang ako. Ayoko siyang harapin. Mas minabuti kong umalis sa harapan niya at nagmadaling umakyat sa kwarto.

Alam ko mali ang inasta ko. Iniwan ko lang siya. Hindi ko talaga alam ang dapat gawin.

Kung alam niya lang din sana kung gagano ako nangungulila sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap para sa akin ang pigilin ang nararamdaman ko.

Nang marating ko ang kwarto ay lumapit ako sa kama upang gisingin ang isa sa kanila. Palilipatin ko lang sana sa foam na inilatag ko. Kasi alam ko dito matutulog si Jake. Kaso parang mga mantikang tulog at ayaw magising. Wala akong nagawa kundi humiga nalang sa foam na nilatag ko. Nilagyan ko nalang ng isang unan sa tabi ko para kung sakali mang humiga si Jake ay hindi kami magkakadikitan.

Hindi ako makatulog dahil sa narinig ko mula sa kanya. Maraming naglalaro sa isipan ko.

Isang oras na ang lumipas pero wala pa rin si Jake sa tabi ko. Naisip ko na baka sa sofa na siya matutulog dahil sa nangyari. May bahagi na gusto ko siyang makatabi at yakapin, ngunit nakikipagtalo pa rin ang isipan ko. Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako nang may gumalaw sa tabi ko. Baka si Jake na ito. Nakatalikod kasi ako at nakatalukbong. Pinakiramdaman ko lang ang ginagawa niya. Tila inaayos ang unan at saka marahan na humiga. Nang wala na akong maramdamang paggalaw ay nakatulog na ulit ako.

Muli akong nagising ng napansin kong may nakayakap sa likod ko. Mahigpit ang pagkakayakap at ramdam ko ang init ng katawan na dumadampi sa likod ko. Hindi ako kumilos dahil gustong gusto ko yung init na dala ng yakap niya. Alam kong si Jake yun. Pero hindi na ako kumawala, dahil hinayaan ko na lang ang isang bahagi ng pagkatao ko na magpatangay sa kagustuhan nito.

"Sana miss mo rin ako." Mahinang sabi niya.

Nagkunwari pa rin akong natutulog at dinarama ang sandaling yun.

Napakasarap.

Nakatulog akong may ngiti sa labi. Hinayaan ko na sarili ko. Tutal ito naman ang tunay na nagpapasaya sa akin. Paggising ko nito ay magkukunwari na lang akong walang alam sa ginawa niya.

Itululoy….


Please leave a comment.


Comments


Never Miss a New Post.

Connect With Us!
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Subscribe Now!

Thanks for subscribing!

RyanTime01

Ryan Time 01 (1).png
©2021 By Ryan Time01©
bottom of page