top of page

Chapter 3: Sorry Kung Umiiwas Ako

  • Writer: Ryan Time01
    Ryan Time01
  • Jan 28, 2021
  • 7 min read


Minsan, naiinis tayo sa sarili natin dahil tayo mismo ang humahadlang sa anumang nararamdaman natin. Kesyo ganito, kesyo ganyan, kesyo bawal. Hindi natin alam na dini-deprive na natin ang sarili sa kaligayahang dapat nating nararanasan.

Marahil takot tayong tanggapin kung anong tunay natin na pagkatao dahil na rin sa lipunan nating mapanghusga at sa pamilya natin na ayaw nating ma-disappoint.

***

9:30 AM na pala, ayon sa oras na nakarehistro sa phone ko.

Ansarap ng tulog ko. Wala akong naramdamang hangover. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi sa birthday party ni mama.

Naalala ko bigla na sa foam pala ako natulog. Sinilip ko ang kama ay tulog na tulog pa rin ang dalawang kulugo na si Paul at Don.

Biglang sumagi sa isip ko si Jake. Wala na siya sa tabi ko. Pero ramdam ko pa rin ang ginawa niya sa aking pagyakap kagabi habang sinasabi niya na "SANA MISS MO DIN AKO." Ramdam ko ang lungkot at pananabik sa mga salitang yun. Tila naging lullaby sa pandinig ko ang mga salitang yun at ang init ng yakap niya na nagpakalma sa pagkatao ko. Ang ganda tuloy ng umaga ko. Napangiti na lang ako.

Araw ng linggo kaya wala kaming pasok magpipinsan. Muli kong sinulyapan ang dalawang kulugo na mahimbing na natutulog. Nagpapalakasan sa paghilik at tumutulo ang mga laway.

Natawa ako. Naisipan kong kunan ng picture at ipost sa social media o kung hindi man ay pang-blackmail sa kanila, baka sakaling may kakailanganin ako sa kanila.

'Nasan kaya si Jake. Wala naman siyang pasok ah. Hmmm baka nasa jowa na naman niya' sa isip ko.

Nagbihis na lang ako at saka bumaba upang umihi. Nakarinig ako ng ingay sa kusina. Baka si mama yun, naghahanda ng almusal namin.

Nang marating ko ang kusina, nagulat ako dahil si Jake pala ang nagluluto. Nasamyo ko ang amoy ng sinangag at sunny side-up na itlog. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. May nakita rin akong fresh juice sa dining table at may nakahain na dalawang bakanteng plato.

Nakatalikod siya sakin. Kaya alam kong hindi niya ako napansin. Maingat akong naglakad patungo sa toilet upang hindi niya ako maramdaman. Ngunit bigla na lang siyang lumingon sa akin. Napahinto ako, mistula isang pusa na napahinto sa paghakbang at tumingin sa kanya.

"Good morning KUYA!" nakangiti siya.

Hayss! Ang guwapo talaga. Gumanda lalo ang umaga ko. Pero siyempre ayokong magpahalata kaya hindi ako sumagot. Tinuloy ko ang paglakad patungo sa banyo.

"Kuya nagluto ako para sa ating dalawa." nakangiti pa rin siya. "Sabi ni tita magsisimba lang daw siya at tayo na raw muna bahalang magluto ng pagkain natin, sabay na tayong kumain ha." Pagpapatuloy niya.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang makapasok ng banyo. Agad kong isinara.

'Makakasabay ko siyang kumain? At dalawa lang kami? Nagluto siya para sa aming dalawa lang?' sa isip ko.

Kinabahan ako ngunit di makakaila na kinikilig. Hindi ko alam kong papansinin ko na ba siya or itutuloy ko ang pag-iinarte.

'Ah bahala na!'

Pagkalabas ng banyo, tinawag niya ako.

"Kuya! Kain na tayo."

Tumango lang ako saka lumapit sa mesa. Nakapwesto na rin siya at nakatingin sa akin. Nakangiti pa rin si Kupal.

Umupo ako nang hindi siya nililingon. Nagsimulang sumubo saka siya nag salita.

"Sorry kagabi." pagsisimula niya.

Pinagmasdan ko siya, blangko lang ang ekspresyon niya.

"Ok." hindi ko pa rin siya nililingon.

Katahimikan.

"H-hindi ka ba pupunta kay Gelic?" Pautal kong tanong habang nakatingin sa kinakain.

"Hindi kuya." Ramdam kong tumingin siya sakin at nagpatuloy magsalita. "P-pwede ba dito na muna ako tumambay?" Nag-aalangang tanong niya.

"Okay lang" sagot ko. "Nanjan naman sila Paul at Don." dugtong ko.

"Ibig kong sabihin. P-pwede ba kitang maka bonding?" Pag-aalangan niya.

Mejo nabilaukan ako kaya dali-dali akong nagsalin ng juice sa baso at agad na ininom. Tiningnan ko siya.

"B-bakit?" Yun lang ang naisip kong isagot sa kanya.

"K-kasi n-namimi...." Pinutol ko kaagad. Alam ko na yung sasabihin niya at ayokong makita niya ng harap-harapan ang magiging reaksyon ko kapag itinuloy niya pa ang sasabihin.

"A-Aalis ako ngayon eh. May lakad ako." Saka tumingin sa kanya.

Wala naman talaga akong lakad. Di ko lang talaga kasi alam kong anong sasabihin ko. Nagsimula tuloy akong mag-isip kong saan ako pupunta.

Nakita kong parang tumamlay ang itsura niya. Naawa na naman ako. Gusto ko naman talagang magbonding kami. Pero... marami kasing pero sa isip ko.

"H-hanggang kelan ba tayo ganito kuya?" Na-sense kong may pagsusumamo sa boses niya. Malungkot ang mga mata niya.

"Kung tungkol ito sa sinabi mo kagabi." Tiningnan ko siya. "Wala naman akong matandaang reason para iwasan kita. Kinakausap naman kita diba?." pagpapatuloy ko.

'weh di nga?' sabi ng isip ko.

"Hindi ba ikaw nga yong hindi nagpaparamdam diyan? Ilang taon mo nga akong iniiwasan diba?." Binaliktad ko ang sitwasyon.

Ako naman talaga yung umiiwas sa kanya. May ugali lang talaga ako minsan na mambaliktad ng sasabihin lalo na kapag naiipit ako sa sitwasyon.

"Hindi naman ako iiwas kung hindi mo ako iniiwasan." Sagot niya. Malungkot pa rin ang mga mata.

"Umiiwas ba ako?" Maangmaangan ko.

"Oo, ni hindi mo na nga ako tinitingnan. Ni halos di mo nga ako kausapin. May mga times na pag nakikita mo akong lalapit sayo, nararamdaman kong umiiwas ka. Kuya, kung tungkol ito sa nangyari sa atin...." pinutol ko ulit yung sasabihin niya. Ayoko pag-usapan yung dati.

"Wag mo nang ituloy. Nakaraan na yon."

"Yun ba ang dahilan, kaya mo ako iniiwasan?" dugtong niya

Hindi ako umiimik.

"Look. Hindi naman natin kelangan gawin yun. Pasensya na kung makulit ako. Gusto lang naman kita makasama eh. Pero umiiwas ka na." Malungkot na pahayag niya habang ang mga mata ay tila nagsasabing 'miss na miss na kita.'

"Sorry.." yung lang nasabi ko.

"Sorry saan kuya?"

"Kung u-umiiwas ako."

Lumiwanag ng bahagya ang mukha niya.

"Iiwasan mo pa rin ba ako?" tanong niya.

"Hindi na. Baka..., baka hindi na. Sorry ulit."

Ngumiti siya at itinuloy ang pagsubo. Ngumiti nalang din ako.

"Thank you kuya." nakangiti pa rin siya. "Alam mo bang marami akong iku-kwento sayo." Maningning ang mga mata habang binabanggit niya ito.

Naalala ko tuloy yung dating kami. Ganyan na ganyan siya ka excited pag nagkukwento. Kahit wala namang kwenta yung ikukwento niya.

Sabi ko nalang na, saka na lang magkwento dahil nga aalis ako (daw). Okay lang naman daw. Ramdam ko pa rin yung saya niya dahil kinakausap ko na ulit siya. Sabi niya hihintayin niya nalang daw ako hanggang makabalik ng bahay.

Nagbihis na ako at nag-iisip kung saan pupunta. Naisip kong kontakin si Jona, ka-fling ko. Shota-shotaan. Inaya ko nalang siyang manood ng sine at syempre after ng sine ay alam na.

Masayang-masaya ako dahil okay na ulit kami ni Jake. Naisip kong bigyan nalang ng chance at ibalik ang closeness namin.

Hindi pa tapos ang palabas pero parang gusto ko nang umuwi. Kasi alam kong may Jake na naghihintay sa akin. Kaya nung pagkatapos ng palabas ay kaagad akong nagpaalam kay Jona. Alam ko disappointed siya, dati kasi sa tuwing aayain ko siyang lumabas ay magtatalik kami pagkatapos. Parang wala kasi akong gana makipag sex sa kanya. Mas na-excite akong makita si Jake sa pag uwi ko.

Mediyo dapit-hapon na rin nang dumating ako. Kaka doorbell ko pa lang ay agad na bumukas ang gate at bumungad ang nakangiting Jake na puro guhit ng uling ang mukha. Mukhang masayang masaya na dumating na ako.

"Anong nangyari sa mukha mo at parang naghilamos ng uling?"

Tawang-tawa ako sa mukha nya. May idea akong nag unggoy-ungguyan na naman tong mga to. Ganto kasi ginagawa naming magpipinsan pag wala kaming ibang maisip na gawin.

"Pakana ni Paul." sagot nya sabay tawa.

Natawa lang din ako. "Naunggoy ka nila no?" tawang tawa pa rin ako. Tumango nalang siya at tumatawa pa rin.

"Ang aga mo ata kuya." Sinabayan ng ngiting hanggang tainga.

"Naexcite lang akong makita ka ulit." biro ko sa kanya. Nailang tuloy ako bigla.

"Oyy! Miss niya kaagad ako." Pang-aasar niya.

"Tanga! biro lang." pagbawi ko sabay tipid na tawa.

Nakaktuwa at mejo okay na nga kami.

"Okay lang yun! Kasi ako,.. miss kita!" Nakangiti siya pero naramdaman kong nailang siya ng konti.

Kinilig ako bigla, lakas makababae. Kahit puro uling ang mukha niya ay bakas pa rin ang kagwapuhan niya. Tumuloy na kami sa loob ng bahay.

Nakita kong naglalaro ng barahang unggoy-ungguyan ang dalawang kulugo (Paul at Don). Natawa ako sa itsura nila, halos wala ng mapaglagyan ng uling. Nakita ko pa sa gilid nila yung ilang pirasong uling na ginamit nila.

"Kuya sumali ka rito." Sambit ng dalawang kulugo.

Sumunod naman ako.

Puro tawa ang bumalot sa buong bahay sa tuwing may natatalo. Buti nalang di ganun kadami ang nasa mukha ko. Tuwang-tuwa rin si mama na pinagmamasdan kami. Hanggang maya-maya'y nag aya na siyang kumain.

Masaya-masaya kaming sabay-sabay kumain. Asaran at biruan. Nakikisali rin si ermat.

"Ryan anak, mukhang okay na kayo ni Jake ah." pang-aasar niya na palipat-lipat ang nakakalokong tingin sa amin ni Jake.

"Oo nga tita. Parang LQ kasi sila dati eh." dugtong ni Paul na nakakaloko rin ang tingin.

"Okay naman kami ah, diba Jake." tumingin ako kay Jake.

"Opo tita. Lovers na ulit kami." sabay tawa.

Natapos ang kainan namin ng puro tawa at kulitan. Alam kong napapansin ni mama dati na iniiwasan ko si Jake. Minsan kasi tinatanong niya ako bakit hindi na dumadalaw si Jake. Sabi ko nalang na baka busy. Kwela rin naman si mama. Paborito niya rin kasi si Jake dahil sa ubod ng lambing nito.

Naghanda na kami upang matulog. Alas dose na rin kasi. Doon na ulit natulog ang dalawang kulugo at si Jake. May dala naman daw silang uniform para sa school kinabukasan.

"Hoy kayong dalawa" Patukoy ko sa dalawang kulugo."umalis kayo jan sa kama ko. Sa lapag kayo matutulog."

Padabog na nilatag ng dalawa yung extra foam. Kahit papaano ay sinusunod naman nila ako. Ako kasi ang panganay na lalake sa lahat ng magpipinsan.

"Magha-honeymoon ata yung dalawa Don." pabulong na sabi ni Paul kay Don.

Tumawa lang ang huli.

"Narinig ko yun. Pabulong-bulong ka pang nalalaman diyan"

Tawanan ulit. Nagkatinginan lang kami ni Jake. Naexcite tuloy ako.

Pumuwesto na kami sa kanya-kanyang higaan. Yung dalawa sa lapag at kami naman ni Jake sa kama.

Biglang nag ring ang phone ni Jake at agad sinagot, saka lumabas ng kwarto. Alam kong si Gelic yun. Nakaramdam na naman ako ng selos. Tinopak na naman tuloy ako.

Nang nakabalik na si Jake ay nakita kong ngiting-ngiti. Naisip ko kung ano kayang pinag-usapan ng dalawa at ngiting-ngiti ito. Haysss. Nagseselos na naman ako.

Napansin ata ni Jake na wala na naman ako sa mood. Tumalikod kasi ako sa kanya nung akmang kakausapin niya ako.

Bigla kong naramdaman ang yakap niya. Ang sarap na naman sa pakiramdam, pero umiwas ako. Tinanggal ko pagkakayakap niya.

"Bakit kuya?" bulong niya. Pansin niya sigurong iritable ako dahil mediyo malakas ang pagkakahawi ko ng kamay niya.

"Wala, matulog na tayo." malamig kong sambit.

Hindi na rin siya nangulit. Inisip niya siguro na ayokong yakapin niya ako. Pero ang totoo gusto kong yakapin niya ako. Nagseselos lang naman ako at nawala na ako sa mood. Excited pa naman ako kanina.

Nakatalikod lang ako sa kanya. Nagpupuyos na naman ang dibdib ko sa selos. Di ko naman kailanhang magselos. Di ko lang talaga maiwasan.

Naramdaman kong parang gusto niya akong kausapin. Tinatawag niya kasi ako. Nagtutulog-tulugan nalang ako hanggang sa tuluyang nakatulog.

Itululoy….


Please leave a comment.


Comments


Never Miss a New Post.

Connect With Us!
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Subscribe Now!

Thanks for subscribing!

RyanTime01

Ryan Time 01 (1).png
©2021 By Ryan Time01©
bottom of page